Saturday, October 24, 2015

Makupad na Internet sa bansang Pilipinas

Ang internet sa ating bansa ay napakabagal at sobrang mahal. Meron pa ngang pagkakataon na sa sobrang bagal ng internet ay gusto mong itapon ang modem pero kahit anong reklamo ang gawin natin sa mga telco ay tila hindi nila kayang solusyunan ang sobrang bagal nilang serbisyo.

Base lang sa karanasan ko bilang internet user at vpn user ito ang sa tingin ko ay ilan lamang sa dahilan kung bakit mabagal ang internet sa ating bansa. Unang dahilan nito ay ang capping ng network sa mga users. Mapapansin naman natin na kapag sobra-sobra na ang paggamit natin sa internet ay bumabagal ito at mistulang pabagal ng pabagal habang natagal ang internet usage. Sa aking pagkakakatanda ang globe ay may 800mb cap sa mga users nito at ang smart ay 3gb ang cap at kapag sumobra na sa cap na to ang data transfer na ginawa ng ating modem o cellphone ay bumabagal. Ang pangalwang dahilan ay ang layo sa mga tower. Kada lumalayo sa tower ng mga telco's sa isang lugar ay kapansin pansin na humihina din ang signal ng internet sa lugar na iyon. At ang ikatlo at huling dahilan sa mabagal na internet ay ang pabago-bagong panahon. Kapansin pansin na pag may bagyo ay mas mabagal ang internet dahil sa wireless ang transmission ng mga telco at nagugulo ng masamang panahon ang signal na inilalabas ng tower ng mga telco.

Ganyan talaga ang internet dito sa pinas. Mabagal at sobrang mahal pero sa tingin konting tyaga na lang sa mabagal na serbisyo ng globe at smart ay makakaranas na tayo nang mabilis na internet. Ayon lang sa nakita ko sa balita sa internet,sa 2016 ay mayroong bagong telco na magbubukas sa ating bansa na tanyag sa buong asya. Ang pangalan ng telecom na ito ay telstra na nagooffer ng 100mbps internet for 2k kada buwan na siguradong magtutulak sa pldt at globe upang mas pabilisin ang serbisyo nila. Sana ito na ang solusyon sa napakabagal na internet sa ating bansa na problema na noon pa hanggang ngayon. Sa karagdagang impormasyon tungkol dito, maaring magtungo sa https://www.google.com/?gws_rd=ssl#q=telstra+philippines&tbm=nws

5 comments: